KAIBIGAN??? yan yung tipong kilala ka kung sino ka o ano ka. Yung tanggap ka ng buong-buo. Kwentuhan, kantahan, kainan, biruan, lakad-lakad, dramahan at kung anu-ano pa'y pupwedeng gawin mo kasama niya. Masaya ka sa ginagawa niyo at masaya siya na kasama ka niya. Sa ideyal na mundo, ganyan lagi ang kaibigang ating makikilala.
Hindi kumpleto ang aming araw pag hindi kami nagkikita, nagkakamustahan at nag-uusap. Kahit magkaiba man kami ng major hindi ito hadlang para sa aming pagkakaibigan. At kahit magkalayo kami ng tirahan kami'y tunay na magkaibigan. Kami ay nagtutulungan at nagdadamayan sa lahat ng problema na aming tinatamasa sa buhay.
Kwetuhan, asaran, iyakan, kulitan,tawanan at harotan ganyan ang aming libangan sa loob at labas ng aming bahay o paaralan. tunay nga kaming magkaibigan dahil pareho kami ng gustong pagkain adobong sitaw at labong. Mahilig rin kaming gumimick kasama ang ibang naming mgakaklase. Pagdating naman sa loob ng klase, kami'y seryoso sa pag-aaral. Kinakailangan naming maging seryoso upang maabot ang aming mga pangarap sa buhay. Kami ay mahina sa LOVE hindi sa walang nagkakagusto samin kundi sa may TAMANG PANAHON d'yan. Pag nag-aaway naman kami hindi namin ito pinapahaba o pinapatagal gumagawa kami ng paraan upang kami ay agad na magbati o mag-ayos kung ano man aming hindi pagkakaintindihan.
KAIBIGANG TUNAY
Ang KAIBIGAN ang isa sa mga pinakamagandang bagay na binigay nang Diyos sa atin. Isang kaibigan na maaasahan at hindi nag-iiwan sa ire kundi lagong nandyan UMULAN man o UMARAW, sa gitna man ng KALUNGKUTAN at KASIYAHAN siya ay laging nandyan. ito ay hindi namimili ng panahon o sitwasyon sa buhay, basta' t nandyan lang ang PAGMAMAHAL, RESPETO at TIWALA sa isa't isa.




