Monday, September 28, 2015

Biyaya ng Diyos




KAIBIGAN??? yan yung tipong kilala ka kung sino ka o ano ka. Yung tanggap ka ng buong-buo. Kwentuhan, kantahan, kainan, biruan, lakad-lakad, dramahan at kung anu-ano pa'y pupwedeng gawin mo kasama niya. Masaya ka sa ginagawa niyo at masaya siya na kasama ka niya. Sa ideyal na mundo, ganyan lagi ang kaibigang ating makikilala.



Hindi kumpleto ang aming araw pag hindi kami nagkikita, nagkakamustahan at nag-uusap. Kahit magkaiba man kami ng major hindi ito hadlang para sa aming pagkakaibigan. At kahit magkalayo kami ng tirahan kami'y tunay na magkaibigan. Kami ay nagtutulungan at nagdadamayan sa lahat ng problema na aming tinatamasa sa buhay.


Kwetuhan, asaran, iyakan, kulitan,tawanan at harotan ganyan ang aming libangan sa loob at labas ng aming bahay o paaralan. tunay nga kaming magkaibigan dahil pareho kami ng gustong pagkain adobong sitaw at labong. Mahilig rin kaming gumimick kasama ang ibang naming mgakaklase. Pagdating naman sa loob ng klase, kami'y seryoso sa pag-aaral. Kinakailangan naming maging seryoso upang maabot ang aming mga pangarap sa buhay. Kami ay mahina sa LOVE hindi sa walang nagkakagusto samin kundi sa may TAMANG PANAHON d'yan. Pag nag-aaway naman kami hindi namin ito pinapahaba o pinapatagal gumagawa kami ng paraan upang kami ay agad na magbati o mag-ayos kung ano man aming hindi pagkakaintindihan.  







KAIBIGANG TUNAY





Ang KAIBIGAN ang isa sa mga pinakamagandang bagay na binigay nang Diyos sa atin. Isang kaibigan na maaasahan at hindi nag-iiwan sa ire kundi lagong nandyan UMULAN man o UMARAW, sa gitna man ng KALUNGKUTAN at KASIYAHAN siya ay laging nandyan. ito ay hindi namimili ng panahon o sitwasyon sa buhay, basta' t nandyan lang ang PAGMAMAHAL, RESPETO at TIWALA sa isa't isa. 




Friday, September 18, 2015

Isang napakagandang paaralan kung saan lahat ng mga tao'y natututo ng iba't ibang bagay. Dito nagkakaroon ng pagpapayo, pagkukonsulta at pakikipagtulungan sa mga mag-aaral upang matulungan silang mabumuo  ang  kanilang personalidad, katayuan sa lipunan at  ang kanilang talino't pag-uugali para sa kanilang kaunlaran. 







Dito kami nagdarasal tuwing Departmental Mass at isa rin ito sa aming "Core Values" dapat "Christ-centered" para gabayan tayo ng Poong Maykapal.

Ang layunin ng isang gym ay hindi lamang upang magbigay sa iyo ng access sa iba't-ibang machine, ito ay upang dagdagan ang posibilidad na kayo ay magpapatuloy na ehersisyo upang mapanatili ang iyong fitness. 




Ito ang aming "Canteen" dito kami palaging pumupunta pagvacant at nagugutom. Napakalawak at napakaganda ng tanawin na iyong makikita. Pag gusto mong magpalamig meron din kaming "Cafe Shop"  mahal lang ang mga tinda pero sulit naman.



















 Tinawag itong "Peace Garden" kung saan tahimik ang paligid at maganda ang simoy ng hangin na iyong malalanghap.